Ang St. Mary’s Academy ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat.
Ito ay paggunita sa labanan sa Alapan noong Mayo 28, 1898, kung saan unang iniladlad ang watawat. Kasama rin dito ang Hunyo 12, 1898, nang ideklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
Hinihikayat ang mga Pilipino na maglagay at magwagayway ng watawat sa kanilang mga tahanan, opisina, at pampublikong lugar. Layunin nitong pagtibayin ang pambansang pagkakakilanlan, panatilihin ang kasaysayan, at palaganapin ang nasyonalismo sa ating bansa.